^

PSN Palaro

Ilustre nanguna sa pagwasak ng 25 records sa Palaro

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE, Antique , Philippines - Pinangunahan ni Maurice Sacho Ilustre ang pagtala ng mahigit 25 bagong meet records kabilang na ang 19 sa swimming at anim sa athletics sa katatapos lang na 60th Palarong Pambansa na ginanap sa Binirayan Sports Complex dito.

Sa lahat ng 18 rehiyon na sumali sa taunang paligsahan ang 13-straight overall champion National Capital Region ang may pinakamaraming nabura sa listahan ng record hol­ders sa kanilang 13 sa swimming at isa sa athletics.

Ang 17-anyos na si Ilus­tre ng NCR ay may-ari ng tatlong records sa listahan ng Palaro matapos manalo sa record-brea­king fashion sa secondary boys 100-meter freestyle, 200-meter butterfly at 4x100-meter medley relay.

Binura ni Ilustre ang dati niyang 54.15 segundo sa secondary boys 100m freestyle noong nakaraang taon sa panibago niyang 52.97-segundo bago isinunod ang pagwasak sa kanyang dating marka na 2:07.28 sa 200m butterfly para iposte ang bagong record na  2:04.88.

Kasama rin niya sina teammates Drew Magbag, Andrei Pogiongko at Jerald Jacinto sa panibagong record sa 4x100m medley relay sa itinalang 4:01.16. Ang dati ng record ay 4:07.00 ng NCR team noong 2015.

Si Magbag naman ay binura ang 19-taong record ni Rafael Chua sa 200m breaststroke sa bagong 2:28.28. Ang dating record  ay 2:30.42.

Hindi rin nagpahuli si Jacinto at nagtala rin siya ng tatlong bagong records sa 100-meter backstroke, 200-meter backstroke at 4x50 meter medley relay.

Ang ibang record brea­kers ay sina Johansen Aguilar sa secondary boys 100-meter backstroke,  200-meter backstroke at kasama nina Magbag, Pogiongko  at  Ianiko Limfi­lipino sa record-breaking na panalo sa 4x50 meter medley relay.

vuukle comment

MAURICE SACHO ILUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with