Tinalo si Nantapech via UD
MANILA, Philippines - Nagwagi si Donnie “Ahas” Nietes kontra kay Komgrich Nantapech ng Thailand sa unanimous decision sa kanilang IBF title fight para masungkit ang ikatlong world title sa tinatawag na “Pinoy Pride 40” na ginanap sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Nakakuha si Nietes ng 117-111 scores mula sa Japanese judge na si Katsuhiko Nakamura at 117-111 rin kay Filipino judge Greg Ortega. Kahit nagbigay ng 115-113 score para sa Cebuano fighter.
Sinimulan ni Nietes ang pagkamada ng malalaking puntos sa unang apat na rounds kung saan kumukunekta siya ng uppercuts at right crosses.
Kahit hindi niya napatumba si Nantapech ay sapat na ang kanyang ipinakita upang makamit ang ikatlong korona at manalo ng tatlong sunod via unanimous decision.
Sa kanyang panalo, naiangat ni Nietes ang kanyang professional career record sa 40-1-4 na may kasamang 22 KOs habang si Nantapech ay 22-4-0 kabilang ang 15 KOs.
Si Nietes ang may pinakamakulay na boxing career sa loob ng 14 taon at siya ang pinakamatagal na world boxing champion.
Sa ibang laban, nanalo rin si Mark ‘Magnifico’ Magsayo (16-0-0, 12KOs) matapos tapusin si Issa Nampepeche ng Tanzania sa isang round lamang sa kanilang 10-round featherweight fight. Bumaba ang record ni Nampepeche sa 24-8-4 kabilang ang 11KOs.
Tinamaan ni Magsayo si Nampepeche ng isang counter left cross sa kalagitnaan ng first roound at sinundan ng sunud-sunod na suntok na siyang nagpatumba sa Tanzanian boxer. Hininto ni referee Tony Persons ang laban sa 2:05 ng unang round.
Nanalo rin si Jeo ‘Santino’ Santisima laban kay Master Suro ng Indonesia sa unanimous decision, 100-89.