^

PSN Palaro

Ika-3 world title nadale ni Nietes

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ika-3 world title nadale ni Nietes
Itinaas ng referee ang kamay ni Donnie ‘Ahas’ Nietes nang kanyang talunin ang kalabang si Komgrich Nantapech ng Thailand via unanimous decision sa kanilang laban sa Pinoy Pride 40 sa Cebu City. (Larawan mula sa philboxing.com)

Tinalo si Nantapech via UD

MANILA, Philippines -  Nagwagi si Donnie “Ahas” Nietes kontra kay Komgrich Nantapech ng Thailand sa unanimous decision sa kanilang IBF title fight para masungkit ang ikatlong world title sa tinatawag na “Pinoy Pride 40” na ginanap sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Nakakuha si Nietes ng 117-111 scores mula sa Japanese judge na si Katsuhiko Nakamura at 117-111 rin kay Filipino judge Greg Ortega. Kahit nagbigay ng 115-113 score para sa Cebuano fighter.

Sinimulan ni Nietes ang pagkamada ng malala­king puntos sa unang apat na rounds kung saan kumukunekta siya ng uppercuts at right crosses.

Kahit hindi niya napatumba si Nantapech ay sapat  na ang kanyang ipinakita upang makamit ang ikatlong korona at manalo ng tatlong sunod via unanimous decision.

Sa kanyang panalo, na­i­angat ni Nietes ang kanyang professional career record sa 40-1-4 na may kasamang 22 KOs habang si Nantapech ay 22-4-0 kabilang ang 15 KOs.

Si Nietes ang may pi­na­­ka­makulay na boxing career sa loob ng 14 taon at siya ang pinakamatagal na world boxing champion.

Sa ibang laban, nanalo rin si Mark ‘Magnifico’ Mag­sayo (16-0-0, 12KOs) matapos tapusin si Issa Nampepeche ng Tanzania sa isang round lamang sa kanilang 10-round featherweight fight. Bumaba ang record ni Nampepeche sa 24-8-4 kabilang ang 11KOs.

Tinamaan ni Magsayo si Nampepeche ng isang counter left cross sa kalagitnaan ng first roound at sinundan ng sunud-sunod na suntok na siyang nagpatumba sa Tanzanian boxer. Hininto ni referee Tony Persons ang laban sa 2:05 ng unang round.

Nanalo rin si Jeo ‘Santino’ Santisima laban kay Master Suro ng  Indonesia sa unanimous decision, 100-89.

vuukle comment

GREG ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with