MANILA, Philippines - Isa na namang Juan Manuel Marquez ang makakatapat ni Manny Pacquiao sa katauhan ni Australian challenger Jeff Horn.
Plano ng kampo ni Horn na sundan ang naging estratehiya ni Marquez nang patulugin si Pacquiao sa sixth round noong 2012.
Sinabi ni Glenn Rushton, ang trainer ni Horn, na mas mahusay na bersyon na Marquez ang kanyang Australian fighter.
“Manny is a great fighter and we don’t underestimate him,” wika ni Rushton. “He makes a lot of mistakes when he’s boxing but he’s so fast and intense that he makes up for it.”
“But there’s nothing Manny does that we haven’t looked at. He’s lost three of his last eight fights. In one of them he was knocked cold by Juan Manuel Marquez,” dagdag pa ng trainer.
Sinabi pa ni Rushton na mas mabibigyan ni Horn ng problema si Pacquiao sa loob ng ring kumpara sa nakaraang apat na laban ng Filipino superstar kay Marquez.
Si Pacquiao ay kasalukuyang nasa Brisbane para sa promosyon ng kanilang July 2 fight ni Horn.
Pinayuhan ni Pacquiao si Horn na “train hard.”
Binalaan naman ni Rushton si Pacquiao sa napipinto niyang pagharap sa isang ‘bagyo’.“I know that Manny and his team are very confident but I think this will definitely be the toughest, most grueling fight of Manny’s career,” ani Rushton.