^

PSN Palaro

Mapua nilayasan ni Oraeme

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang matinding dagok ang nalasap ng Mapua matapos lumisan si two-time Most Valuable Player Allwell Oraeme sa kanilang kampo ilang buwan bago magsimula ang NCAA  Sea­son 93 men’s basketball  tournament.

Ito ang inihayag ni Cardinals mentor Atoy Co kung saan idinahilan umano ni Oraeme na hindi na ito masaya sa Mapua at nagdesis­yong bumalik na lamang sa Nigeria.

“Wala nang Oraeme. Nag­paalam siya at ang kat­wiran ay hindi na raw siya masaya sa Mapua. Uuwi na lang daw siya sa Nigeria. Pero para sa akin, yung rason na yun, napakababaw na rason,” ani Co sa pa­na­yam ng ABS-CBN.com.

Isang linggo nang hindi dumadalo sa pagsasanay ang 6-foot-10 na si Oraeme.

Pinaniniwalaan ni Co na may ilang grupo ang ku­makausap kay Oraeme upang maglaro para sa ibang unibersidad/kolehiyo.

Ngunit nanindigan si Co na hindi nito bibigyan ng clearance si Oraeme.

Tiniyak din ng dating PBA star na sakaling umuwi si Oraeme sa Nigeria, sisikapin nitong hindi na makakabalik sa bansa ang slotman.

“Ang ‘di nila naiintindihan, bago siya makalaro sa ibang school, kaila­ngang hihingi muna ng clearance ko. Hindi (ko siya bibigyan ng clearance) Ba’t ko ibibigay?,” dagdag ni Co.

Magugunitang itinanghal na Season MVP at Rookie of the Year si Orae­me noong Season 91 sa kanyang unang pag­lalaro para sa Cardinals.

ALLWELL ORAEME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with