Matinding hamon naghihintay sa elite XTERRA cast

MANILA, Philippines - Nakahanda nang su­ma­got ang pro XTERRA cast, kasama rito ang 11 sa men’s side, sa matinding hamon sa paghataw ng pre­mier Off-Road Triathlon sa Linggo sa bagong ta­­hanan nito sa Danao, Cebu.

Hindi lamang masusu­kat ang lakas ng mga kalahok, babanderahan ng nagdedepensang si Bradley Weiss ng South Africa at Aussie ace Ben Allen, sa bagong venue kundi pati ang matinding sikat ng araw para sa premyong $15,000 at ranking points.

Itatampok sa 10km run stage ang ilang serye ng akyatan at masisikip na daan na inaasahang magpapahirap sa mga partisipante sa event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc.

Samantala, magsisimula at magtatapos ang 1.5km swim stage sa Coco Palms beach resort, habang ang two-loop 40km bike course ay dadaan sa mga village at barangay roads.

Ito ang magsisiguro sa walang humpay na bakbakan para sa top honors sa event, itinataguyod ng Alcoplus, Sanicare, The Philippine Star, 2GO Express, Cetaphil, Prudential Guarantee, Columbia, Garmin, Tri Life, Cignal Hyper TV, Rocktape, Gatorade, MNTC, Coca Cola Femsa, Powerade, Wilkins at Storck, na sasabakan din nina Japanese Takahiro Ogasawara, Taylor Charlton, Kieran McPherson, Jacky Boisset, Brodie Gardner, Olly Shaw, Alex Roberts, Dan Brown, Will Kelsay at local bet Joseph Miller sa premier men’s pro division.

Pamumunuan naman ni Jacqui Slack ng Great Britain ang agawan para sa $15,000 purse sa women’s side kasama sina Aussie Carina Wasle, Myriam Guillot-Boisset, Penny Slater ng Australia at American Jessica Koltz.

Nangako naman si host Rep. Ramon “Red” Durano VI na magiging matagum­pay ang pagdaraos nila ng event, ang una sa tatlong kompetisyon na nilagdaan ng siyudad at ng SEI hanggang 2019.

 

Show comments