Global FC rumesbak sa JDT
MANILA, Philippines - Sumipa ang Global FC ng 3-2 panalo laban sa Johor Darul Ta’zim (JDT) para lampasan ang kanilang biktima sa Group F ladder ng AFC Cup noong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Sports Complex.
Nauna nang nakalasap ang Global FC ng 0-4 kabiguan sa JDT.
“Very big three points for us,” sabi ni Global coach Toshiaki Imai sa paglaki ng tsansa ng kanyang koponang makaabante sa Asean Zone semis sa bitbit na 9 points. “The first half performance was very good.”
Ginamit ng People’s Club ang isang three-goal spree sa first half para gulatin ang 2015 titlists.
Unang nagsalpak ng goal si Dennis Villanueva sa 27th minute na sinundan nina Shu Sasaki (32nd minute) at Amani Aguinaldo (35th minute) para sa Global FC.
Nakadikit naman ang Southern Tigers sa second half sa likod ng mga goals ni Gabriel Guerra sa 48th at 83rd minutes.
Nanatili ang JDT na may 7 points para sa ikalawang puwesto sa huling dalawang laro sa group stage.
Sa isa pang laro sa Yangon, sinamantala ng home side Magwe ang defensive miscue ni Beoungket Angkor ng Cambodia para itakas ang 1-1 draw.
- Latest