^

PSN Palaro

Westbrook tinablahan ang triple-double record ni Robertson

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY - Sa isang sandali ay sag­lit na huminto si Russell Westbrook sa kanyang pagkamada.

Nilasap ng Oklahoma City Thunder point guard ang espesyal na pagkakataon matapos pantayan ang single-season record ni Os­car Robertson sa kanyang itinalang ika-41 triple-double.

Nagtayuan ang home crowd at isinigaw ang “MVP! MVP!” matapos ang kanyang assist kasunod ang pagpapahinto sa laro.

“It’s one of those nights, a special night, and something I definitely will never forget,” wika ni Westbrook. “I’m just truly honored to do it here, especially in Oklahoma City.”

Tumapos si Westbrook na may 12 points, 13 rebounds at 13 assists para pamunuan ang Thunder sa 110-79 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

Itinala ni Westbrook ang kanyang pang-pitong sunod na triple-double mula sa assist kay Taj Gibson sa 9:17 minuto sa third quarter.

Ipinoste ni Robertson ang record noong 1961-62 season at maaari itong basagin ni Westbrook sa Miyerkules sa Memphis.

Tumabla rin si Westbrook kay Wilt Chamberlain para sa fourth place sa career list dahil sa kanyang ika-78 triple-double.

Nagtala si Enes Kanter ng 17 points para sa Thunder, ipinoste ang kanilang pinakamalaking victory margin sa season.

Sa iba pang laro, tinalo ng Brooklyn ang Philadelphia, 141-118; tinakasan ng Washington ang Charlotte, 118-111; dinurog ng Cleveland ang Orlando, 122-102 at binalikan ng Indiana ang Toronto, 108-90.

RUSSELL WESTBROOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with