Cua kumpiyansang makakabawi ang Alab Pilipinas sa Singapore
MANILA, Philippines - Kahit nabigo sa opening game ng best-of-three semifinals, lalong tumitibay ang loob ng Alab Pilipinas na babawi laban sa Singapore Slingers sa Game 2 ngayong Biyernes sa 2017 Asean Basketball League na gaganapin sa Star Arena sa Baliwag, Bulacan.
Ayon kay Alab coach Mac Cuan na malaking kawalan sa koponan ang injury nina Ray Parks Jr. at Jerico Fortuna. Ngunit sinabi nito na hindi ito magbibigay daan para mag-step up din ‘yung ibang players.
“It will be the next man up,” sabi ni dating La Salle Green Archer Cuan sa lingguhang PSA Forum kahapon sa Aura Ballroom ng Golden Phoenix Hotel sa Pasay City.
Tinalo ng Slingers ang Alab Pilipinas, 77-67 sa Game 1 noong Linggo na ginanap sa OCBC Arena ng Singapore.
Ayon kay Cua kabisado nila ang Singaporean team kaya malakas ang kanyang tiwala na malampasan kaya nilang lampasan ang hamon Slingers sa pamamagitan nina imports James Hughes at Sampson Carter at dating Ateneo star Kiefer Ravena.
Sa ibang semis match ay maglalaban ang top seed Hong Kong Eastern Long Lions at ang Saigon Heat ng Vietnam ngayon sa Hongkong.
Ang Pilipinas ang unang naging kampeon nang dalhin ang koponan ng Patriots sa ABL noong 2009 habang ang San Miguel Beer ang siyang sumikwat ng titulo noong 2012.
- Latest