^

PSN Palaro

PPS Brookside Open qualifiers hahataw na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Walong slots sa men’s at apat sa women’s ang paglalabanan sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Brookside Open 2017 qualifying na mag-umpisa ngayon sa Brookside Hills Tennis Club ng Cainta, Rizal.

Pangungunahan nina Dave Mosqueda, Emmanuel Fuelas, Neil Co at Norman Gaspar ang 64-player tourney na maglalaban sa walong slots para sa tournament proper na lalarga naman sa Miyerkules kasama ang mga magagaling na tenista ng bansa.

Sina Ingrid Gonzales, Erika Manduriao, Grace Melchor at Toni Rose Raymundo ang babandera sa women’s division upang pag-agawan ang apat na slots para sa main event ng taunang torneo na handog ni  BHTC president  Allan del Castillo.

“We thank the BHTC for its continued support with the event also serving as part of its commitment to hold Open tournaments here at Brookside Hills aside from its regular Mayor’s Cup,” sabi ni Palawan Pawnshop president at CEO Bobby Castro.

Mahigit P300,000 ang mapapanalunan sa event na ito na sinusuportahan ng Slazenger kabilang na ang P200,000 mula sa BHTC at  P100,000 galing sa PPS-PEPP.

Inaasahang dominahin ni Johnny Arcilla ang PPS-PEPP Open events.

Si Arcilla ang palaging nag-uwi ng titulo sa nakalipas na tatlong taon, ngunit inaasahan din ang magandang hamon mula kina PJ Tierro, Leander Lazaro, Fritz Verdad, Ronard Joven, John Altiche, Rolando Ruel Jr. at Marc Reyes at iba pa.

Si Clarice Patrimonio ang nakakuha sa top seeding sa women’s kasama ang kanyang kapatid na si Christine bilang No. 2 at sina Miles Vitaliano at Rachelle De Guzman ang No. 3 at  4, ayon sa pagkakasunod sa torneo na sinusuportahan din ng Asiatraders Corp.

Kabilang din sa mga sumusuporta sa naturang  event ang Unified tennis group sa pangunguna ng PPS-PEPP, Cebuana Lhuillier, Wilson Toby’s at B-Meg.

Paglalabanan din ang doubles event sa men’s at women’s competitions na isa sa dalawang linggong tennis festival sa Brookside bukod pa ang  juniors at doubles set sa susunod na linggo kasama ang 10-unisex at  boys’ and girls’ 12, 14-, 16- at 18-and-under competitions at 10-U, 14-U and 18-U doubles.

PALAWAN PAWNSHOP-PALAWAN EXPRESS PERA PADALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with