^

PSN Palaro

Cavs ‘di umubra sa Wizards

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND - Maagang kinontrol ng Washington Wizards ang laro para tuluyan nang talunin ang Cavaliers, 127-115 at ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Tumapos si point guard John Wall na may 37 points mula sa 14-of-21 fieldgoal shooting bukod pa sa 11 assists, habang anim pang player ng Wizards ang umiskor ng double figures.

Iniwanan ng Washington ang Cleveland sa first quarter, 40-26 at hindi na nilingon ang nagdedepensang kampeon para ilista ang kanilang ika-44 panalo sa 72 games.

Nagdagdag si Bradley Beal ng 27 points, habang may 16 markers si Kely Oubre mula sa bench kasunod ang 14 points ni Markieff Morris para sa Wiards.

Tumipa naman sina Otto Porter, Marcin Gortat at Jason Smith ng tig-10 points.

Nalasap ng Cavaliers, nagmula sa panalo sa Charlotte Hornets, ang kanilang ikatlong kabiguan sa huli nilang laro.

Kumolekta si LeBron James ng 24 points at 11 rebounds, habang may 23 at 17 markers sina Kyrie Irving at Kevin Love, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap ng Cleveland ang kanilang ika-25 kabiguan sa 72 games.

Sa New York, kumamada si Kawhi Leonard ng 29 points at nag-ambag sina LaMarcus Aldridge at Pau Gasol ng tig-19 markers para ihatid ang San Antonio Spurs sa 108-96 panalo laban sa Knicks.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Spurs.

Nagtala ang San Antonio ng 18-point lead sa third quarter bago nakadikit ang New York sa 80-83 agwat sa 9:11 minuto ng final period bago pamunuan ni Patty Mills ang 13-4 atake ng Spurs para sa kanilang 96-84 abante. 

JOHN WALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with