OAKLAND, Calif. -- Nakipaglaro ang Golden State Warriors sa Sacramento Kings bago kumamada patungo sa 114-100 panalo.
Nakipagsabayan ang Kings sa Warriors matapos makatabla sa 20-20, ngunit isang maiksing 7-0 atake ang ginawa ng league-leaders sa huling dalawang minuto ng first quarter para kontrolin ang laro.
Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Golden State at pang-57 sa 71 laro.
Tumipa si Stephen Curry ng 27 points mula sa 9-of-18 fieldgoal shooting, kasama rito ang 5-of-11 clip sa three-point line.
Si Draymond Green ang tanging Golden State player na umiskor sa double-figures sa kanyang 23 points.
Nalasap naman ng Sacramento ang kanilang pang-apat na dikit na kamalasan at ika-45 sa 72 asignatura.
Nagtala si Buddy Hield ng 22 markers kasunod ang 20 ni Ty Lawson para sa Kings.
Sa Houston, humataw si James Harden ng 38 points, kasama ang 8 markers sa endgame para akayin ang Rockets sa 117-107 panalo laban sa New Orleans Pelicans.
Dinuplika ni Harden ang kanyang career-high na 17 assists para sa ikalawang sunod na panalo.
Nag-ambag si Patrick Beverley ng 17 points at may 14 markers si Eric Gordon para sa Houston, may anim na players na umiskor sa double figures.
Kumolekta naman si Anthony Davis ng 33 points, 16 rebounds at 3 steals sa panig ng Pelicans.
Natapos ang three-game winning streak ng New Orleans, nakahugot kay big man DeMarcus Cousins ng 29 points, 6 rebounds at 4 blocks. .
Sa Boston, pinadapa ng Celtics ang Phoenix Suns, 130-120 at diniskaril ang 70-point performance ni Devin Booker.
Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Boston, iniskor ang unang 6 points ng laro at hindi na nalapitan ng Phoenix, sa kanyang 34 points.
Kumamada ang 20-anyos na si Booker ng 51 points para sa Suns sa halftime kung saan tangay ng Celtics ang 66-43 abante.
Nag-ambag si Al Horford ng 15 points at 10 rebounds, habang naglista si Gerald Green ng 15 markers mula sa bench.