Rice, Tenorio nanguna sa NBA Cares clinic

MANILA, Philippines -  Nagtambal sina NBA legend Glen Rice at Brgy, Ginebra star LA Tenorio sa pagdaraos ng isang two-hour NBA Cares-Globe Telecom sports clinic para sa mga mahihirap na bata bilang bahagi ng NBA Filipino Heritage Week.

Nakibahagi sina Rice, isang three-time All-Star na nagkampeon sa LA Lakers noong 2000, at Tenorio hindi lamang sa pagtuturo ng basketball sa 40 bata na pinili mula sa Globe partner communities at employee volunteers kundi para maging inspirasyon sa kanilang tagumpay.

“I knew coming here that the Filipinos are passionate about their basketball and I was expecting kids who are already knowledgeable about the game and I was right,” wika ni Rice, nasa bansa sa ikalawang pagkakataon.

Isang karangalan naman para kay Tenorio, itinataguyod ang kanyang Method Basketball Academy na sinusuportahan ng Globe at TM, ang maging bahagi ng programang tumutulong sa mga bata.

Inilunsad ang Method Basketball Academy ni Tenorio ngayong taon at nagdaraos ng libreng basketball clinics para sa mga batang lalaki at babae na may edad 9-anyos hanggang 14-anyos.

Magtatapos ito sa pa­ma­magitan ng isang three-on-three tournament kung saan ang mananalo ang kakatawan sa bansa sa NBA 3X Phl 2017 na gagawin sa Manila ngayong taon. - JV

 

 

Show comments