^

PSN Palaro

Whitehouse matatag pa rin

Pilipino Star Ngayon
Whitehouse matatag pa rin
Itinaas ni Spanish Grijalba ng Kuwait Cartucho ang kanyang kamay nang pagharian nito ang Stage 3 ng Le Tour de Filipinas.
Jun Mendoza

Spanish rider sa Stage 3 ng Le Tour

DAET, Camarines Norte, Philippines - Nakuha ni Fernando Grijalba ng Spain ang 177.35-km  third stage ngunit nanatili pa rin si Daniel Whitehouse ng Terrenganu Cycling team sa overall leadership ng four-day 8th Le Tour de Filipinas mula sa Naga City hanggang dito.

Dahil sa panalo, ang 26-anyos na si Grijalba na taga- Laguna de Duero, isang lungsod sa north ng Madrid, ay umakyat sa ikalawang puwesto sa general classification mula sa ika-apat na puwesto bago simulan ang ikatlong lap.

Tinalo ni Grijalba sina Benjamin Hill ng Attaque Team Gusto at Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling sa kanilang identical clocking na apat na oras, 14 minuto at tatlong segundo kasama rin  sa grupo ang 13 iba pang sik­lista.

Mahigit 23 segundo na lang ang layo ni Whitehouse kay Grijalba mula sa dalawang minuto.

Si Hill naman ay bumaba sa ikatlong pu­westo pero nnatapyasan niya ang kalamangan  ni Whitehouse sa 24 segundo na lamang.

“I just kept my pace and attacked in the final kilometers because I know it’s hilly,’’ ayon kay Grijalba.

Sa overall standing, bumagsak si Suzuki sa ika-apat  na puwesto pero nakakain ng mahigit 27 segundo sa likuran ni Whitehouse kasunod sina Salvador Guardiola ng Team Ukyo, 2015 champion Thomas Lebas ng Kinan Cycling at Edgar Nieto ng 7Eleven-RBP.

Dumating sa finish line si Whitehouse na may 1:27 agwat sa lead pack kasama sina Filipino climb specialist Mark Galedo ng 7Eleven-RBP.

Ang apat na araw na karera ay suportado ng Petron, UPS, Philippine Airlines, Advanced Solutions Inc., Cargohaus Inc., CCN Sports Philippines, IWMI, NMM Customs Broker, Phenom Sportswear, UFL Philippines at WARM.

WHITEHOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with