AMA dinale ang Victoria Sports

MANILA, Philippines -  Naglatag ang AMA E­ducation ng matibay na depensa sa third period para pigilan ang pagbabanta ng Victoria Sports at itakas ang 88-80 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Gumana ang mainit na pulso ni Juami Tiongson nang kanyang pamunuan ang opensa ng Titans nang kumana ito ng siyam na sunod na basket na nagbigay sa AMA ng ikaapat na panalo sa anim na laro.

Nag-ambag naman si Jeron Teng ng 18 puntos, 10 rebounds at 7 assists para sa AMA na kumulapso ang itinayong 20-puntos na bentahe sa bungad ng third period.

“We relaxed. We were already leading only to lose our advantage in the end. I told them that every game, until the final buzzer sounds, we must not relax,” wika ni  Titans head coach Mark Herrera.

Nauna rito, pinalakas ng Cignal-San Beda ang kanilang kampanya nang padapain ang Batangas, 95-68 para makatabla ang pahingang CaFeFrance at Tanduay sa 3-1 kartada.

Tumapos si Fil-Am Ro­bert Bolick ng 19 puntos para sa Cignal.

Show comments