Game 1 sa Hotshots
MANILA, Philippines - Nagbuhos ng matinding lakas ang Star Hotshots sa huling minuto ng bakbakan para itakas ang 78-74 desisyon laban sa Barangay Ginebra at hablutin ang pambuenamanong panalo sa kanilang Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven semifinal series kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Umarangkada ng husto si Paul Lee na tumipa ng 18 puntos at humatak ng limang rebounds katuwang si Mark Barroca na kumana naman ng 17 puntos, tatlong boards at dalawang assists para manduhan ang ratsada ng Hotshots.
“Kailangan ko lang maging patient sa offense ko alam kong nakaabang sila sa akin kaya pag may opportunity lang ako saka lang ako titira. Kumapit lang ako sa system namin, nag-usap-usap lang kami sa loob,” pahayag ni Lee.
Apat na Gin Kings ang tumapos ng double figures sa pangunguna nina Chris Ellis at Japeth Aguilar na may tig-12 puntos na nakuha subalit bigo pa rin itong makuha ang panalo. May tig-10 puntos sina Sol Mercado at Jervy Cruz.
Nakatakda ang Game 2 ng tinaguriang Manila Clasico sa Sabado alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kasunod ang Game 3 sa Pebrero 13 sa parehong venue at ang Game 4 sa Pebrero 15 sa Big Dome.
Samantala, puntirya naman ng nagdedepensang San Miguel Beer na maikamada ang 2-0 lead sa kanilang muling pagkikita ng TNT Katropa sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-seven semis series ngayon.
Maghaharap ang Beermen at KaTropa sa alas-7 ng gabi sa MOA Arena.
STAR 78 - Lee 18, Barroca 17, Pingris 9, Sangalang 8, Maliksi 7, Jalalon 6, Reavis 5, Melton 5, Dela Rosa 2, Ramos 1, Brondial 0.
Ginebra 74 - Aguilar 11, Ellis 12, Cruz 10, Mercado 10, Tenorio 8, Thompson 7, Ferrer 7, MArcelo 5, Mariano 4.
Quarterscores: 14-19, 37-38, 60-58, 78-74.
- Latest