^

PSN Palaro

Phl team slots paglalabanan sa CPJ event

Pilipino Star Ngayon
Phl team slots paglalabanan sa CPJ event
Kumonekta si UFC-Baguio pride Breyanne Danglosi ng isang axe kick laban kay Beyonce Abelgas ng Mountain’s Peak TKD Center sa nakaraang taekwondo competition.

MANILA, Philippines – Ang mga puwesto sa Philippine team ang pag-aa­gawan sa paghataw ng SMART/MVP Sports Foundation/PLDT Home Ultera National CPJ (Carlos Palanca Jr.) taekwondo championships sa Linggo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ayon sa nag-oorganisang Philippine Taekwondo Association, humigit-kumulang sa 800 atleta ang lalahok sa dalawang events – ang kyorugi (free sparring) at poomsae (forms).

Itatampok sa Kyorugi ang mga senior, junior at Cadet male at female figh­ters, habang ang poomsae competition ay hinati sa in­dividual, team at pair.

Sinabi ni PTA Secreta­ry General Monsour del Ro­sario na ang mga best per­formers ang makakapasok sa national team para sa ta­ong ito.

 Ang torneo ay magsi­silbing tune up para sa Phi­lippine team members na sasabak sa World Taekwondo Championships sa Muju, Korea pati na sa Southeast Asian Games sa Malaysia sa Agosto.

Ang mga inaasahang la­lahok ay sina Elaine Alora, Pauline Lopez, Francis Aa­ron Agojo, Robert Kristopher Uy, Samuel Thomas Morri­son Harper at Ronna Ilao.

Ang torneo na itinatagu­yod ng PLDT, Meralco, Phi­lip­pine Sports Commission at Milo ay magsisimula sa alas-9 ng umaga.

CARLOS PALANCA JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with