Bledsoe humataw sa Suns, Raptors tinusta

Iniiwas ni Eric Bledsoe ng Suns ang bola sa tangkang supalpal ni Lucas Nogueira ng Raptors.

TORONTO--Nagpasabog si Eric Bledsoe ng 40 points para tulungan ang Phoenix Suns sa 115-103 panalo laban sa Raptors sa Air Canada Center arena.

Dinomina ng Phoenix ang dalawa nilang laro sa season series ng Toronto.

Nagdagdag si Devin Booker ng 20 points para sa Suns, habang humak ot si Tyler Chandler ng 16 points at 9 rebounds.

Umiskor naman si DeMar DeRozan ng 22 points sa panig ng Raptors, samantalang nagtala si Jonas Valanciunas ng double-double sa kanyang 16 points at 12 rebounds.

Ito ang unang tatlong sunod na kamalasan ng Toronto ngayong season.

Kinuha ng Raptors ang 60-57 abante sa half time kung saan tumipa si DeRozan ng 16 points hanggang itabla ni Chandler ang Suns sa 95-95 mula sa kanyang hook shot sa 7:29 minuto ng fourth quarter.

Sa Orlando, dumiretso ang Golden State Warriors sa kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos talunin ang Orlando Magic, 118-98.

Nakahugot ang Warriors (38-6) kay Stephen Curry ng game-high na 27 points mula sa 7-of-13 shooting sa three-point line.

Umiskor si Curry ng 16 points sa third quarter kung saan nakalayo ang Golden State matapos makatabla ang Orlando para iposte ang 18-point lead.

Nag-ambag si Warriors guard Clay Thompson ng 21 points mula sa 7-of-9 clip sa three-point range, habang nagtala si Kevin Durant ng 15 points, 10 rebounds at 6 assists. Nalimitahan naman si Draymond Green sa 6 points ngunit humakot ng 10 rebounds.

Pinangunahan n ni guard Eldrid Payton ang Magic (18-28) sa kanyang 23 points at 10 assists, habang nagdagdag si reserve center Bismack Biyombo ng 12 points at game-high 14 rebounds.

Show comments