SAN ANTONIO — Sumailalim si Spurs center Pau Gasol sa isang surgery para ayusin ang kanyang fractured left ring finger.
Sinabi ng Spurs na hindi pa nila alam kung kailan makakabalik si Gasol sa kanilang line-up.
Napinsala ang left fourth metacarpal ng 16-year veteran matapos ang kanyang layup sa home victory ng Spurs laban sa Denver Nuggets.
Tangka ang running hook sa kanyang pagsulpot sa kaliwang bahagi ng basket, nakorbo ang kaliwang kamay ni Gasol sa kaliwang balikat ni Kyle Anderson ng Nuggets.
Kaagad hinawakan ni Gasol ang kanyang kamay at lumabas ng court para sumailalim sa X-rays.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakalaro si Gasol sa season dahil sa injury.
Ito ang unang season ng seven-foot center mula sa Spain para sa Spurs matapos pumirma bilang isang free agent makaraan ang dalawang seasons sa Chicago Bulls.
Nagtala siya ng mga averages na 11.7 points at 7.9 rebounds sa 39 games ng San Antonio (33-9) na magtutungo sa Cleveland sa Sabado para labanan ang Cavaliers, ang koponang may second-best record.