Lhuillier gustong maging presidente ng Philta
MANILA, Philippines – Plano ni long-time sports and tennis patron Jean Henri Lhuillier na lumaban para sa presidential seat ng Philippine Tennis Association (Philta) na magdaraos ng eleksyon sa Pebrero 8 na napagkasunduan ng board of directors sa kanilang pulong noong Disyembre.
Ipinaalam na ng Philta ang kanilang gagawing eleksyon sa Philippine Olympic Committee (POC).
“Having supported Philippine tennis for more than two decades in my private capacity, I have a strong desire now to lead it to even greater heights. If given the chance to lead the association, I will continue to implement the good programs of past administrations and at the same introduce new programs that will make tennis in the Philippines more inclusive and getting all stakeholders more involved,” sabi ni Lhuillier, isa ring chief backer ng Philippine softball.
- Latest