MANILA, Philippines – Nagsalpak ang Mahindra ng franchise-record na 21 three-point shots.
Sapat na ito para paluhurin ng Floodbusters ang minamalas na Meralco Bolts, 105-92, sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumipa si Philip Paniamogan ng 25 points tampok ang 7-of-9 shooting sa three-point range para sa ikalawang sunod na ratsada ng Mahindra matapos ang 0-5 panimula sa torneo.
Nagdagdag sina Alex Mallari, Nico Salva at Jason Deutchman ng tig-13 points para sa Floodbusters.
“Our guys who have really been buying in to our system,” sabi ni Mahindra coach Chris Gavina. “The commitment and hard work in preparation all came together today.”
Nalasap ng Meralco ang kanilang pang-limang dikit na kamalasan.
Mahindra 105 - Paniamogan 25, Mallari 13, Deutchman 13, Salva 13, Digregorio 11, Escoto 10, Yee 8, Elorde 4, Ballesteros 3, Arana 3, Revilla 2, Celda 0, Nimes 0, Eriobu 0, Teng 0.
Meralco 92 - Hugnatan 28, Newsome 19, Amer 12, Faundo 9, Uyloan 8, Daquioag 6, Grey 3, Caram 2, Chua 2, Nabong 2, Hodge 1, Buenafe 0.
Quarterscores: 25-24; 52-42; 73-64; 105-92.