^

PSN Palaro

Bennett inihulog ng Nets; Clarkson minultahan

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK — Pi­na­kawalan ng Brooklyn Nets si Anthony Bennett, ang dating No. 1 pick sa NBA draft.

Nakita si Bennett sa 23 laro para sa Nets, ang kanyang ikaapat na koponan matapos hirangin bilang top pick ng Cleveland Cavaliers noong 2013.

Nagtala siya ng mga ave­raged na 5.0 points at 3.4 rebounds sa loob ng 11.5 minutes per game.

Sa pagbitaw kay Bennett ay may 14 players na lamang ang Nets sa kanilang roster.

Naglaro ang 6-foot-8 forward ng isang season sa Cavaliers bago siya nai-trade sa Minnesota Timberwolves bilang kapalit ni Kevin Love.

Pinakawalan siya ng Tim­­berwolves matapos ang isang taon at lumipat sa Toronto Raptors.

Samantala, pinagmulta si Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson ng $15,000 (halos P740,000) dahil sa pa­kikipagtulakan kay Miami Heat guard Goran Dragic.

Sinabi ng NBA na pinarusahan si Clarkson “for thro­wing a forearm above the shoulders to Miami Heat guard Goran Dragic” sa La­kers-Heat game sa Staples Center noong Biyernes.

“I thought it was going to be worse to be honest with you,” wika ng Filipino-Ame­rican swingman sa kanilang naging tulakan ni Dragic. “But it is what it is. Gotta get past it.”

ANTHONY BENNETT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with