Big men ng Thunder dinomina ang Bulls

Pilit na sinagasaan ni Russell Westbrook ng Thunder si Cristiano Felicio ng Bulls.

CHICAGO - Maski si Russell Westbrook ay hu­manga sa passing ability ng mga big men ng Oklahoma City.

Nabigo si Westbrook na muling makapagtala ng triple-double, habang pinamunuan naman ni center Ste­ven Adams ang kanilang dominasyon sa shaded lane para igiya ang Thunder sa 109-94 paggiba sa Bulls.

Tumapos si Westbrook na may 21 points, 14 assists at 9 rebounds at kapos ng isang board para sana sa kan­yang ika-18 triple-double ngayong season.

Ang inside play nina Adams at Enes Kanter ang siyang nakaapekto sa Chicago.

“They do a great job of pla­ying off each other,” sabi ni Westbrook kina Adams at Kanter.

Nagtala si Adams ng 22 points mula sa 11-for-14 fieldgoal shooting, samantalang kumamada si Kanter ng 20 points at 11 rebounds.

Sina Adams at Kanter ang tumulong sa Thunder para kunin ang 60 puntos sa shaded lane kumpara sa 36 ng Bulls at humakot ng 42-38 bentahe sa rebounding.

Pinamunuan ni Dwyane Wade ang Chicago sa kanyang 22 points kasunod ang 15 markers ni Michael Car­ter-Williams, habang nagdagdag si Cristiano Felicio ng 11 points at 11 rebounds.

Naglaro naman si reig­ning Eastern Conference Player of the Week Jimmy Butler na may lagnat at tu­ma­pos na may 1 point mula sa 0-for-6 shooting.

Sa Minnesota, humakot si Karl-Anthony Towns ng 34 points, 11 rebound at 3 blocks, habang naglista si guard Ricky Rubio ng 15 assists at 13 points para ta­pusin ng Timberwolves ang four-game losing skid sa pamamagitan ng 101-92 paggupo sa Dallas Mave­ricks.

Ang Dallas ang umiskor ng unang basket kasunod ang pagdomina ng Minne­sota sa first period bitbit ang 33-19 abante patungo sa ka­nilang panalo.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 13 points kasunod ang 12 markers ni Dieng para sa Timberwolves.

Sa New York, kumabig si New York, Anthony Davis ng 40 points at 18 rebounds bago nilisan ang laro bunga ng left hip injury at kinuha ng New Orleans Pelicans’ ang 110-96 victory panalo laban sa Knicks.

Naglaro ang New York na wala si Derrick Rose, sa­mantalang nasibak naman si Carmelo Anthony da­hil sa technical fouls sa third quarter.

Naglaro lamang si Davis sa loob ng 29 minuto at nagtala ng 3 block shots.

Nilisan niya ang laro nang makalasap ng flag­­­rant foul mula kay Kyle O’Quinn ng Knicks.

Show comments