^

PSN Palaro

POC wala nang magagawa para maibalik ang mga inalis na events

OVERSTEER - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa 29th Southeast Asian Games sa Malaysia

MANILA, Philippines - Wala nang magagawa ang Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa pag-apela sa pagbabalik ng dalawang weight divisions na tinanggal ng Malaysia para sa 2017 Southeast Asian Games.

Ito ang inamin ni POC first vice president Jose Romasanta matapos ibunyag ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson na inalis ng Malaysia ang men’s 60 kg at 69 kg divisions sa listahan ng mga events na lalaruin sa Kuala Lumpur.

“Malabo na,” sambit ni Romasanta.

Nauna nang tinanggal ng Malaysian organizers ang women’s boxing kasama ang women’s billiards at women’s weightlifting.

Sa nasabing mga events sa SEA Games nakaka­kuha ng gold me­dals ang Pilipinas.

Tumapos ang bansa sa sixth overall  noong 2015 SEA Games sa Singapore.

Kailangang manalo ang mga Pinoy athletes ng gold medals para umangat sa standings bilang paghahanda sa pangangasiwa sa 2019 edition.

Sinabi ni Picson na pinalubha pa ng mga Malaysians ang paghihirap ng Pilipinas nang alisin ang dalawang weight classes kung saan nanalo ng gold medal sina Charly Suarez (60 kg) at Felix Marcial (69 kg).

Sinabi ni Romasanta na ginawa ng POC task force ang kanilang makakaya para maibalik ang nasabing mga events, partikular na ang women’s weightlifting kung saan maaari sanang sumabak si Hidylin Diaz, nag-uwi ng silver medal sa nakaraang 2016 Rio Olympics.

Idinagdag ni Romasanta na wala nang magagawa ang POC dahil inaprubahan na ng SEA Games Federation ang listahan ng mga events (405 sa 38 sports) na ilalatag sa Kuala Lumpur sa Agosto 19 hanggang 31.

Para makapagpasok ng event ay kailangan ng Pilipinas na makakuha ng suporta sa mayorya ng kabuuang  11 member countries.

“The other members are not too hot in lobbying because they themselves have little chances in these events. Wala din sila pang-laban eh,” wika ni Romasanta, adding that the list of events were finalized months before.

“By this time, organizers have printed the conditions of play. The events have been finalized by the federation,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Picson na walang awtoridad ang ABAP para ipaglaban ang kanilang mga events at di­rektang makiusap sa international federation (AIBA) .

“I don’t think so. We don’t have the authority to communicate with the SEA Games organizing committee,” wika ni Picson.

POC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with