^

PSN Palaro

Talatayod, Mildwaters kampeon sa Andrada Cup netfest

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulantang ni unsee­ded Aljohn Talatayod ng Arellano University si 7th seed Jake Martin sa bisa  ng 7-6 (4), 7-5 panalo upang masungkit ang 18-under title sa 28th Andrada Cup kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagningning din si Filipino-Australian Crystal Mildwaters nang walisin nito ang korona sa girls’ 18-under at 16-under divisions sa torneong may basbas ng Philippine Tennis Association (Philta).

Pinabagsak ni Mildwaters si third pick Micaella Vicencio sa iskor na 6-2, 6-1 para sa 16-under title.

Muling umariba ang 15-anyos netter mula sa Perth,  Australia sa 18-under nang itarak nito ang 6-3, 7-5 panalo laban kay Rafa Villanueva upang masiguro ang kanyang ikalawang titulo.

Humataw din sina Min­danao players Janus Ringia, John David Velez at Tennielle Madis sa kani-kanilang dibisyon.

Natakasan ng top-seeded Koronadal, South Cotabato pride na si Ringia si second pick Marcus del Rosario sa iskor na 6-4, 3-6, 6-3 upang makuha ang boys’ 16-under title,

Namayani naman si Velez ng Davao sa boys’ 14-under class kung saan iginupo nito si second seed Rupert Tortal, 6-2, 4-6, 6-0.

Wagi naman si Madis sa girls’ 12-under at unisex 10-under divisions.

Tinalo ni Madis, isang grade 3 student sa Sou­thern Baptist Colleges sa North Cotabato, si Marielle Jarata, 6-2, 6-0 para sa 12-under.

Nakuha rin nito ang unisex 10-under title nang talunin si Chad Quizon, 5-4 (0), 4-5 (8), 4-1, sa finals.

Sa iba pang resulta, nanaig si No. 1 Andrei Jarata sa boys’ 12-under laban kay No. 6 Exequiel Jucutan, 6-4, 6-0.

ALJOHN TALATAYOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with