^

PSN Palaro

2 laban na lang kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
2 laban na lang kay Pacquiao

Sa edad na 38-anyos at abala na bilang isang Senador, dalawang laban na lamang ang inaasahang gagawin ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bago tuluyang magretiro. File photo

MANILA, Philippines – Sa edad na 38-anyos at abala na bilang isang Senador, dalawang laban na lamang ang inaasahang gagawin ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bago tuluyang magretiro.

Ito ang paniniwala ni chief trainer Freddie Roach sa mangyayari sa makulay na boxing career ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) na saglit na isinabit ang boxing gloves noong Abril matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ikatlong pagtutuos.

Isa sa mga inaasahan ni Roach na maaaring labanan ni Pacquiao ay si world unified light welterweight titlist Terence Crawford (29-0-0, 20 KOs).

Lumakas ang tsansa ng 28-anyos na si Crawford na makaharap si Pacquiao nang pigilin si John Molina sa round eight ng kanilang championship fight kamakailan.

Ayon kay Roach, kung hindi papayag ang retirado nang si Floyd Mayweather, Jr. (49-0-0, 26 KOs) sa isang rematch ay si Crawford ang gusto niyang makalaban ni Pacquiao sa susunod na taon.

“Getting a win always put you closer to a Manny Pacquiao fight,” ani Roach kay Crawford. “Manny wants to keep fighting and if we don’t get a Mayweather we want to fight the best guys out there.”

Para sa huling dalawang laban ni Pacquiao ay gusto ni Roach na ipakita ang husay at lakas ng Filipino boxing superstar.

“We don’t want easy fights. We will fight anyone. We want to fight anyone in the Top 10,” sabi ni Roach.

Matapos talunin si Bradley (33-2-1, 13 KOs) ay isinunod naman ni Pacquiao si Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) para agawin sa Mexican ang hawak nitong WBO welterweight belt noong Nobyembre 6.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na posibleng muling umakyat ng boxing ring si Pacquiao sa buwan ng Hunyo ng 2017 kung saan walang sesyon ang Senado.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with