FEU-NRMF kampeon sa MBL
MANILA, Philippines – Itinanghal na kampeon ang FEU-NRMF nang pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 103-83 sa pagtiklop ng 2016 MBL Open (Second Conference) basketball tournament kagabi sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.
Gaya ng inaasahang muling sinandigan ng FEU-NRMF ang matikas na performance nina Christian Manalo at Fil-Canadian sensation Clay Crellin na naglabas ng matinding opensa upang tiyakin na makuha ang kanilang kauna-unahang korona sa kompetisyong itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.
Tumapos si Manalo ng 22 puntos, habang naglista si Crellin, nahirang na MVP ng liga, ng 19 puntos .
Umagaw din ng eksena ang ex-PBA star na si Jerwin Gaco na tumipa ng 15 puntos laban sa mga mas nakakabatang EAC defenders.
Naging malaking bahagi rin ng panalo ng FEU-NRMF ang mga imports na sina Bright Akhuetie at Moustapha Arafat, na umiskor ng 17 at 9 puntos, ayon sa pagkasunod.
Nanguna sina Sidney Onwubere, Hamadou Laminou, Juju Bautista, Jerome Garcia at Jeanu Gano para sa Generals, na ilang ulit na nagtangkang humabol bago tuluyang natalo.
FEU-NRMF-Gerry’s Grill 103 - Manalo 22, Crellin 19, Akhuetie 17, Gaco 15, Raymundo 10, Arafat 9, Banzali 5, Camacho 4, Zamora 2, Tan 0, Asoro 0.
EAC 83 - Onwubere 19, Laminou 14, Bautista 10, Garcia 9, Gano 9, Aguas 5, Bugarin 5, Diego 5, Mendoza 3, Altiche 2, Martin2.
Quarterscores: 29-16, 55-40, 82-65, 103-83.
- Latest