Westbrooks nagpasiklab sa bakuran ng Knicks

Russell Westbrook
AP/Alonzo Adams

NEW YORK - Mabilis na naitala ni Russell  Westbrook ang kanyang pang-walong triple double sa season matapos igiya ang Oklahoma City Thunder sa 112-103 panalo laban sa Knicks.

Kinailangan lamang ni Westbrook ng 20 minuto sa loob ng court para makumpleto ang triple-double sa kanyang 27 points, 18 rebounds at 14 assists.

Ito ang kanyang ikatlong sunod na triple-double at ika-45 sa NBA career niya.

Si Westbrook ay kasalukuyang may mga averages na 30.9 points per game, 11.3 assists at 10.4 rebounds ngayong season.

Tanging si Oscar Robertson ang player sa NBA history na naglista ng average na triple-double sa isang season na kanyang itinala noong 1961-62.

Nagdagdag naman si Enes Kanter ng 27 points at 10 rebounds para sa Thunder.

Pinangunahan ni Derrick Rose ang Knicks sa kanyang 30 points, 7 rebounds at 4 assists, habang nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 21 points.

Sa Oakland, humataw si Kevin Durant ng 25 points at 14 rebounds, samantalang sumupalpal si Draymond Green ng dalawang tirada ng Atlanta Hawks sa huling 43.4 segundo para sa 105-100 panalo ng Golden State.

Ito ang pang-12 sunod na panalo ng Warriors.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 25 points kasama ang apat na 3-pointers, habang may 20 markers si Klay Thompson para sa Golden State.

Show comments