^

PSN Palaro

Van Opstal, McCarthy gagamitin na ni Austria vs Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa 96-88 panalo ng nagdedepensang San Miguel laban sa Star sa pagbubukas ng 2016-2017 PBA Philippine Cup ay hindi ginamit ni coach Leo Austria sina rookies Arnold Van Opstal at Rashawn McCarthy.

“Pasensya na sa kanila. First game kasi at kaila­ngan naming manalo,” sabi ni Austria kina Van Opstal at McCarthy. “This is the first game and we definitely wanted to win. It (win) would be a morale booster for us.”

Inaasahang bibigyan ni Austria ng playing time sina Van Opstal at McCarthy sa pagsagupa ng Beermen sa Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Rain or Shine Elasto Painters sa Mahindra Floodbusters sa alas-4:15 ng hapon sa Antipolo City.

Hangad ng San Miguel at Rain or Shine na makasosyo sa liderato ang Blackwater, nagdadala ng 2-0 record.

Humakot si three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng 25 points at 16 rebounds, sa paggiba ng Beermen sa Hotshots, habang nagdag­dag si Alex Cabagnot ng 22 markers at 8 assists at may 17 markers si Arwind Santos.

Nanggaling naman ang Fuel Masters sa  87-94 pagkatalo sa Elite sa kanilang unang laro.

Sa unang laro, hangad ng Rain or Shine na madup­lika ang 101-87 panalo laban sa TNT Katropa sa pagsagupa sa Mahindra.

Sa naturang panalo ay umiskor ng double figures sina Raymond Almazan, Jericho Cruz, Beau Belga, Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi at rookie Mike Tolomia.

Kumolekta si Tolomia, kinuha mula sa Gilas Pilipinas pool, ng 11 points, 4 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 turnover sa kanyang PBA debut.

ARNOLD VAN OPSTAL

PBA PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with