Simula na ang aksyon sa PNYG

TAGUM, Davao del Norte, Philippines – Dalawang buwan lamang naghanda ang Davao del Norte matapos tapikin ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez para pamahalaan ang 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships sa Tagum City dito.

Ngunit kumpiyansa si Governor Anthony Del Rosario na maibibigay nila sa mahigit na 14,000 bilang ng delegado ang ‘best ever Batang Pinoy’.

“We hope that people who will come here will leave with a good impression about Tagum and Davao del Norte in ge­neral,”  wika kahapon ni Del  Rosario.

Nakatakdang buksan ang nasabing multi-spor­­­ting event para sa mga batang may edad 17-anyos pababa ngayong hapon tampok si House Speaker Pantaleon Alvarez bilang keynote speaker.

Nauna nang inimbita­han ng DavNor si Sen. Manny Pacquiao para maging guest speaker, ngunit hindi ito makakara­ting, habang wala namang kalinawan kung maka­kabisita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Batang Pinoy ay nagsisilbing paraan sa pagpili ng ng atletang maaaring isabak sa mga international competitions kagaya ng Children of Asia Internatio­nal Sports Festival,  Asian Youth Games at Youth Olympic Games.

Maliban sa mga estud­yante, maaari ring su­mali ang mga out-of-school youth na nangangarap mapasama sa national training pool.

Kabuuang 26 sports discipline ang inilatag para sa event.

Ito ay binubuo ng ar­chery, arnis, athletics, bad­minton, baseball, basketball (3-on-3), boxing, chess, cycling, dancesport, gymnastics, judo, kara­tedo, lawn tennis, pencak silat, rugby, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

Ang mga venues na gagamitin ay ang Davao Del Norte Sports and Tou­rism Complex, New Tagum City Hall, Rotary Park Gym, Tagum City Trade Center, University of Mindanao at Bulwagang Panlalawigan.

 

Show comments