Generals pinosasan ang Tamaraws
MANILA, Philippines - Nagpakita ng kakaibang sigla ang Emilio Aguinaldo College sa tulong ni Cameroonian import Hamadou Laminou upang maitakas ang isang makapigil-hiningang 82-77 panalo laban sa FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation sa 2016 MBL Open basketball tournament sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.
Si Laminou, na idinagdag lamang sa line-up sa huling mga sandali, ay kumayod ng husto para ihatid ang Generals sa ika-apat nitong panalo sa anim na laro at unang pwesto sa seven-team, single-round tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.
Ang 6-foot-10 native ng Yaounde, Cameroon ay umiskor ng 14 sa kanyang 17 puntos sa second half at nanguna sa mahusay na depensa ng Generals upang gulatin ang Tamaraws.
Nakatulong niya sina Alex Aguas, Jerome Garcia at Sidney Onwubere para tiyakin ang panalo ng EAC.
Si Aguas ay gumawa ng 12 puntos, anim sa third at fourth quarters.
Si Garcia, ang pangunahing scorer sa kanilang unang limang laro, ay nag-ambag ng 10 puntos, habang si Onwubere ay may walo.
Ang dating Purefoods mainstay na si Jerwin Gaco ang namuno sa FEU-NRMF sa kanyang 13 puntos, kasunod sina Fil-Canadian Clay Crellin, Al Francis Tamsi at Francis Camacho na may 12 bawat isa.
Ang Cameroonian center na si Moustapha Arafat ay gumawa lamang ng anim na puntos.
- Latest