Philippine Azkals importanteng manalo laban sa Thailand

Umiskor ng goal si Misagh Bahadoran ng Azkals sa kanilang laro ng Indo­nesia sa AFF Suzuki Cup sa Philippine Arena.
Kuha ni Kriz-John Rosales

MANILA, Philippines – Isang importanteng panalo ang kinakailangang maitala ng Philippine Azkals laban sa nagdedepen­sang Thailand upang makahirit ng puwesto sa semifinals ng 2016 AFF Suzuki Cup na ginaganap sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Kasalukuyang nasa ika­lawang puwesto ang Az­kals sa Group A tangan ang dalawang puntos na nakuha sa dalawang draw laban sa Singapore at Indo­nesia.

Ang Singapore at Indo­nesia ay magkasalo sa ikat­long puwesto hawak ang parehong isang panalo at isang draw na baraha.

Nangunguna ang Thai­land na may anim na pun­tos para pormal na ma­sikwat ang unang silya sa semis dahilan upang ma­uwi ang bakbakan sa pa­gitan ng Singapore, In­do­nesia at Pilipinas para sa huling tiket sa Final Four.

Alam ni Azkals coach Tom Dooley na matinding la­ban ang kanilang hahara­pin kontra Thailand ngunit nananatili itong optimistiko dahil mataas pa rin ang moral ng kanyang bataan.

“The team will be ready versus Thailand. Thailand doesn’t want to lose for the first time against us. We don’t expect them to pull backs,” wika ni Dooley.

Sa kanilang huling laro, naipuwersa ng Azkals ang 2-2 draw laban sa Indone­sia.

Nahawakan ng Indone­sia ang 1-0 kalamangan mula sa pinagsanib na puwersa nina Stefano Lilipaly at Fachruddin Aryanto sa ika-pitong minuto subalit na­itabla ng Azkals ang la­ban sa ika-31 minuto mula sa impresibong goal ni Mi­sagh Bahadoran.

Muling nakuha ng Indo­nesia ang 2-1 bentahe ma­karaang pakawalan ni Boas Salossa ang isang goal sa ika-68 minuto.

Hindi bumitiw ang Azkals makaraang maisalpak ni team captain Phil Younghusband ang equalizer sa ika-82 minuto para maipuwersa ang draw.

“We struggled a little bit. We created some chances, it was an exciting game. Both can live with the result,” ani Dooley.

Nanawagan si Fil-German Stephan Schrock sa mga tagaha­nga ng Azkals na suporta­han ang kopo­nan sa kanilang laban kontra Thailand bukas.

“We hope to have the fans at the venue on Friday,” wika ni Schrock.

Kapuna-punang ka­kaunti lamang ang na­no­no­od sa venue kung sa­an isang posibleng dahilan ang may kalayuang venue kum­para sa Rizal Memorial Football Stadium na nasa Maynila.

Show comments