Young iniligtas ang Lakers

LOS ANGELES - Nag­sal­pak si Nick Young ng isang clutch triple at nalam­pa­san ng Lakers ang pagkamada ni Russell Westbrook sa fourth quarter para kunin ang 111-109 panalo laban sa Oklahoma City Thunder dito sa Staples Center.

Binanderahan ni Westbrook ang pagbangon ng Thunder matapos tumipa ng apat na triples sa final canto para agawin ang unahan sa 109-108 matapos ang put­back ni Steve Adams sa huling 13 segundo.

Naikonekta naman ni Young, tumapos na may 17 points, ang kanyang triple pa­ra ipanalo ang Lakers na nagtayo ng 14-point lead ba­go nag-init si Westbrook sa panig ng Thunder.

Naimintis ni Westbrook, bumancdera para sa Okla­ho­ma City sa kanyang 34 points at 13 assists, ang kan­yang tangka sa 3-point line sa pagtunog ng final buzzer.

Nagtala si Fil-American guard Jordan Clarkson ng 18 points, 4 assists at 4 steals, habang hu­makot si cen­ter Timofey Mozgov ng 16 points, 3 rebounds at 2 blocks.

Nagdagdag si guard Jo­­se Cal­deron ng 12 points kasunod ang 11 ni Brandon Ingram  para sa Lakers (8-7).

Sa New York, tinalo ng Knicks ang Portland Trail Bla­zers, 107-103, tampok ang 31 points ni Kristaps Por­zingis .

Nag-ambag si Carmelo Anthony ng 17 points at hu­mugot si Derrick Rose ng anim sa kanyang 18 points sa final stretch.

Tumipa si Rose ng jum­per sa huling tatlong minuto, habang ang kanyang tirada ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng New York.

Show comments