Isabela iho-host ang 2 event ng PATAFA
MANILA, Philippines – Sabay na idaraos ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ang 12th Southeast Asia (SEA) Youth Athletics Championships at National Open Invitational Athletics Championships sa Marso sa Ilagan Sports Complex sa Isabela.
Lalarga ang SEA Youth Athletics meet sa Marso 27 hanggang 28 na tatampukan ng mahuhusay na atletang may edad na 17-anyos pababa habang ang National Open ay gaganapin sa Marso 30 hanggang Abril 2 na siya namang magsisilbing final tryout upang makabuo ng pambansang koponang isasabak sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nakipagkasundo na si PATAFA president Dr. Philip Ella Juico sa pamunuan ng City of Ilagan, Isabela sa pangunguna ni Mayor Evelyn Diaz sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MoA).
“This is the first time we’re holding the SEA Youth Athletics here and bringing it to Ilagan, Isabela is part of our mission of bringing the sport to the province. At the same time, it’s a chance for us to see and experience top notch competitions,” ani Juico.
Ayon kay PATAFA sec-gen Renato Unso, may 26 events ang paglalabanan sa SEA Youth - 13 sa boys at 13 sa girls - samantalang aabot din sa 26 event ang lalaruin sa National Open. Hindi itataguyod ang marathon at walkathon.
- Latest