Pacquiao hindi makalimutan ang pagpapatulog sa kanya ni Marquez

MANILA, Philippines – Hindi maitatago ni Manny Pacquiao ang multong idi­nulot ng pagpapabagsak sa kanya ni Mexican legend Juan Manuel Marquez no­ong Disyembre ng 2012.

Pinanood ng 43-anyos na si Marquez ang laban ng 37-anyos na si Pacquiao la­ban kay Jessie Vargas no­ong nakaraang Linggo.

At sa kanyang obser­basyon ay tila nag-iba na ng kanyang istilo ang Filipino world eight-division champion.

 “So he looks more cau­tious, fights more from a distance, and he’s not loo­king like he did in the past, when he fought with that speed, with his animos­i­ty to knock the opponent out,” wika ni Marquez kay Pac­quiao sa panayam ng BoxingScene.com.

Matatandaang pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round ng kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis­yembre ng 2012.

Sa naturang laban ay na­basag ni Pacquiao ang ilong ni Marquez.

Ngunit sa huling segun­do ng sixth round ay sumugod si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) sa pag-aakalang ma­papabagsak niya si Mar­quez (56-7-1, 40 KOs).

Isang mabigat na coun­ter right hand ang isi­­nalubong ng Mexican figh­ter para patumbahin si ‘Pacman’.

Napabagsak naman ni Pacquiao ang 27-anyos na si  Vargas (27-1-0, 10 KOs) sa second round patungo sa kanyang unanimous de­cision win para agawin sa Mexican ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown noong Nobyembre 6 sa Las Vegas, Nevada.

Sa ilang bahagi ng nasabing laban ay nauga ni Var­gas si Pacquiao mula sa kanyang mga right straight at overhand.

At sa tuwing tumatama ito ay natitigilan si Pacquiao.

“Those right hand blows that landed from Jessie Vargas made Manny Pacquiao think,” ani Marquez. “Getting hit with that right hand counter is still fresh in his memory.”

Huling nakapaglista ng KO win si Pacquiao noong Nobyembre ng 2009 nang pigilin si Miguel Cotto sa 12th round para agawin sa Puerto Rican ang WBO welterweight belt.

Nabanggit ang retiradong si Floyd Mayweather, Jr. (49-0-0, 26 KOs) at ni uni­fied light welterweight titlist Terence Crawford  (29-0-0, 20 KOs) para sa susunod na laban ni Pacquiao.

Show comments