SEOUL – Matapos ang laban kay Jessie Vargas ay inaasahan ng Mahindra Floodbusters na babalikan sila ni Manny Pacquiao sa PBA.
“As he himself has been saying he loves basketball more than boxing,” wika ni Tomas Alvarez, kinatawan ng Floodbusters sa PBA board of governors.
Naniniwala si Alvarez na mananalo si Pacquiao kay Vargas sa kanilang upakan ngayon sa Thomas & Mack sa Las Vegas, Nevada.
At matapos ito ay babalik ang Filipino boxer sa PBA para muling maglaro sa Mahindra kung saan siya tumatayong playing coach.
“He really loves basketball,” wika ni Alvarez kay Pacquiao.
Naging respetado ang ipinakita ng Floodbusters, dating Enforcers, sa nakaraang 2016 PBA Governors Cup makaraang tumapos sa fifth place.
Ngunit kamakailan ay binitawan ng Mahindra ang mga core players na sina KG Canaleta, Aldrech Ramos, Paolo Taha at Bradwyn Guinto sa pamamagitan ng trade.
Napanood si Pacquiao sa tatlong laro sa Governors Cup kung saan siya nagsalpak ng kauna-unahan niyang three-pointer sa PBA mula sa 97-88 panalo sa Blackwater.