LAS VEGAS – Masarap sa pandinig ni Manny Pacquiao ang katawagang “world champion senator”.
Sinabi ni Pacquiao na ang bagay na nagpapalakas sa kanyang loob na talunin si Jessie Vargas dito sa Linggo ay ang makapagsulat ng kasaysayan bilang unang Senador na nagwagi ng korona.
“I’m so interested to win convincingly and get the belt because this is my first fight since being elected as senator,” wika ng 37-anyos na si Pacquiao sa mga reporters sa isang sesyon kahapon sa Wynn Las Vegas, kung saan niya ginawa ang kanyang grand arrival.
Nakatatak na ang pangalan ng Filipino sa boxing history matapos magkampeon sa walong weight classes.
At tila hindi pa siya tapos magsulat ng kasaysayan.
Para kay Pacquiao, ang suot na WBO welterweight belt ni Vargas ay parang isang kumikinang na ginto.
At gusto niya itong iuwi sa Pilipinas matapos ang kanilang laban ni Vargas sa Thomas & Mack Center.
“For me this is going to be a historic fight, another record in boxing history,” wika ni Pacquiao.
Ngunit tiniyak ni Vargas na hindi ito basta-basta maagaw sa kanya ni Pacquiao.
“We’re here to keep the belt,” wika ni Dewey Cooper, ang chief trainer ni Vargas.
Bagama’t gutom si Pacquiao sa panalo ay mas determinado naman si Vargas na mapanatiling suot ang kanyang korona.
“Never underestimate the heart of a young, lion champion,” sabi ni Coope sa kanyang American kickboxer at boxer.
Ito ang magiging comeback fight ni Pacquiao matapos magretiro noong Abril kung saan niya tinalo si Timothy Bradlery, Jr. via unaninous decision sa kanilang ikatlong paghaharap. (Dino Maragay)