SHANGHAI – Matapos ang magandang inilaro sa qualifying round ay nabigo si Philippine champion Lara Posadas na makaabante sa women’s quarterfinals nang magtapos sa No. 10 sa 52nd QubicaAMF Bowling World Cup international finals kahapon dito.
Nagpagulong si Posadas ng 5603 pinfalls (200.11 average) matapos ang 28 games.
Walong bowlers sa pamumuno ni Bernice Lim ng Singapore ang nasa kontensyon para sa titulo kung saan ang apat ang papasok sa semifinal round.
Nagwakas din ang kapalaran ni Raoul Miranda sa torneo nang pumuwesto sa No. 23.
Nagtala si Lim ng 5985 pinfalls kasunod sina Danielle McEwan (5939) ng US, Lisa John (5885) ng England, Jenny Wegner (5854) ng Sweden, Rebecca Whiting (5814) ng Australia, Nadine Geissler (5789) ng Germany, liana Lomeli (5781) ng Mexico at Syaidatul Afifah (5776) ng Malaysia.