Miranda pasok sa second round

SHANGHAI – Tumapos si Raoul Miranda sa No. 17 sa elimination para ma­­kasama sa 24-man se­­cond round ng 52nd Qu­bicaAMF Bowling World Cup international finals dito sa Hao’s center.

Nagpagulong si Miranda, nagtala ng high game na 258, ng 3999 pinfalls sa 20 games para sa kanyang average na 199.95 patungo sa second round sa hanay ng mga national champions mula sa 78 pang bansa.

Samantala, target naman ni Lara Posadas na ma­kamit ang silya sa se­cond round sa women’s division kung saan siya pu­muwesto sa No. 7 matapos ang 15 games.

Kumpiyansa si Posadas na makakapasok siya sa second round.

Pinamunuan ni Chinese Wang Hongbo ang 24-man field sa kanyang 4247 kasunod sina Martin Larsen (4220) ng Sweden, Petteri Sa­lonen (4177) ng Finland, Yan Kor­shak (4161) ng Russia at Sam Cooley (4154) ng Aus­tralia.

Show comments