^

PSN Palaro

Gilas pinag-impake na ng Jordan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nama­alam sa kontensiyon ang Gilas Pilipinas matapos yumuko sa Jordan sa iskor na 105-119 kahapon sa 2016 FIBA Asia Challenge na ginaganap sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran.

Nanguna si dating Ate­neo standout Von Pessumal para sa Gilas nang dumagit ito ng 30 puntos at dalawang assists habang nagdagdag si da­ting Far Eastern University mainstay Mike Tolomia ng 19 markers at limang rebounds.

Nagdagdag naman si Mac Belo ng 17 puntos at anim na boards gayundin sina CJ Perez ng 10 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists subalit kapos pa rin ito para makuha ng Pinoy squad ang panalo.

Nangibabaw para sa Jordan si Darquavis Tucker na may 37 puntos mula sa 10-of-15 shooting clip habang nakasiguro rin ang koponan ng 26 puntos at 13 rebounds mula kay Mohammad Hussein at 21 galing kay Mousa Alawadi.

Dominado ng Jordan ang rebounding matapos humatak ng 55 boards kumpara sa 39 lamang ng Gilas. Mataas din ang porsiyento ng Jordan sa shooting tangan ang 48.6 percent o 36-of-74 performance.

Tinapos ng Gilas ang group stage hawak ang 1-4 baraha habang umusad sa quarterfinals ang Jordan na may 4-1 marka kasama ang China (3-1), Chinese-Taipei (3-1) at India (2-2).

Bigo ang Gilas na mapantayan ang third-place finish ng bansa noong 2014 edisyon na ginanap sa Wuhan, China.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with