^

PSN Palaro

MLQU ginitla ang St. Clare

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos ng Manuel Luis Quezon ang pamamayagpag ng St. Clare College-Ca­loocan matapos kunin ang 83-82 panalo sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym sa Boni Ave., Mandalu­yong City.

Nagtala si Christopher Bitoon ng 27 points para sa pagpigil ng Stallions sa pitong sunod na panalo ng Saints.

Ito ang ikaapat na panalo ng MLQU nina coach JR Manansala at manager Jomar Acuzar sa pitong la­ro.

Nagdagdag si Jaymark Mallari ng 15 points, habang may 10 markers si Reggie Ignacio at 8 si Ronnie Pa­ngan para sa Quiapo-based team na suportado ng New San Jose Builders.

Umiskor naman si Irven Palencia ng 18 points sa pa­nig ng St. Clare ni coach Jinino Manansala.

Nag-ambag sina Aris Dio­nisio at Rojay Santos ng 13 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tinalo naman ng Rizal Techmological Uni­versity ang EARIST, 106-97, sa overtime.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with