^

PSN Palaro

Pinay woodpushers pinatumba ang Belgium sa Olympiad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang patuloy ang ka­malasan ng Philippine men’s team ay wala namang balak sumuko ang wo­men’s squad.

Ito ay matapos gibain ng mga Pinay ang Belgium, 4-0, para tabunan ang 1.5-2.5 kabiguan ng mga Pinoy sa 14th seed Spain sa eight round ng 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.

“We’re just proud of what the team is doing and we hope to sustain the form until the end,” sabi ni GM Jayson Gonzales, ang NCFP executive director at coach ng women’s team.

Nagtala ng mga pana­lo sina WIM Janelle Mae Frayna, WIM Jan Jodilyn Fronda, WIM Catherine Se­copito at WFM Shania Mae Mendoza laban kina WFM Hanne Goossens, Wiebke Barbier, Sarah Dier­ckens at Astrid Barbier, ayon sa pagkakasunod, pa­ra mapasama sa eight-team logjam sa 13th spot sa magkakapareho nilang 11 points.

Naipanalo ni Fronda, isang La Salle standout, ang anim sa kanyang wa­long laro, habang sina Frayna at Secopito ay may tig-5.5 points at napagwagian naman ng 19-anyos na si Mendoza ang tatlo sa kanyang apat na laban.

Makakatapat ng mga Pi­nay ang 15th seed Mongo­lia sa ninth round ng 11-round biennial event.

Ito naman ang ikalawang sunod na kamalasan ng Philippine men’s squad na naghulog sa kanila mula sa top 10.

 Yumukod sina United States-based GMs Julio Catalino Sadorra at Rogelio Barcenilla, Jr. kina GMs Francisco Vallejo Pons at Da­vid Anton Guijarro sa first at third boards.

Naipanalo naman ni GM Eugene Torre kay GM Ivan Salgado Lopez sa se­cond board at nakatulak ng draw si IM Paulo Ber­samina kay GM Jose Carlos Ibarra Jerez sa fourth board.

Sunod na makakalaban ng mga Pinoy ang No. 26 Argentina para magkaroon ng tsansang makaakyat sa top 10.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with