Traje, Legazpi namayagpag sa pagwasak ng marka sa Novice
MANILA, Philippines - Bumandera sina record-breakers Stacey Lianne Traje at Ethan Legazpi sa listahan ng mga Most Outstanding Swimmer awardees sa Novice Division ng Philippine Swimming League (PSL) 101st National Series Novice and Motivational Swimming Meet na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Nakalikom si Traje ng 40 puntos para mamayagpag sa girls’ 10-year category habang umani naman si Legazpi ng 36 puntos para makuha ang unang puwesto sa boys’ 13-year event.
Nakuha naman nina Hannah Gallardo (6-under), Allysa Cabatian (7), Stefanie Anita Villegas (8), Mickey So (9), Ixidorre Mikhaila Cajucom (11), Olivia Ocampo (12), Lirisha Coeli (13), Carlynn Caliwara (14) at Alyza Balleza (15-over) ang MOS awards sa kani-kanilang dibisyon.
Sa boys’ class, wagi rin ng MOS sina Jude Austine Gapultos (6-under), Jacob Ethan Gapultos (7), Marco Ubaldo (8), Julian Philip Gaza (9), Janne Philip Gaza (10), Angelo Joaquin Olaguer (11), Vince Emmanuel Salenga and Fierre Afan (12), Lorenz Macario (14) at Kyle Adrian Roldan (15-over).
“It is a great program for our beginners, coaches were able to sustain their interest and so you see our grassroots developmental increasing year by year,” wika ni PSL President Susan Papa.
Umaasa ang pamunuan ng PSL na higit na lalago ang kanilang programa sa pag-asang makadiskubre at makahubog ng mga mahuhusay na tankers na isasabak sa mga malalaking international tournaments gaya ng World University Games at Olympic Games.
Pinaghahandaan naman ng PSL ang pagsabak sa SSC Midget Meet sa Setyembre 10-11 sa Singapore.
Mangunguna sa kampanya ng Pilipinas sa naturang torneo sina Marc Bryan Dula ng Weisenheimer Academy, Aubrey Tom ng International Learning Academy of Cainta at Joey Del Rosario ng De La Salle-Zobel.
- Latest