^

PSN Palaro

Eagles vs Bulldogs sa Spikers' Turf finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naiselyo ng Ateneo at National University ang paghaharap sa finals makaraang patalsikin ang kanilang karibal sa semis kahapon sa Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Binali ng Ateneo ang pana ng De La Salle University sa bendisyon ng 26-24, 25-19, 25-17 panalo kung saan umariba ng husto si UAAP MVP Marck Espejo na nagpasabog ng 24 puntos.

Nagtala naman ng pinagsamang 17 puntos sina Rex Intal at Joshua Villanueva habang may 38 excellent sets si Ish Polvorosa.

Tinapos ng Eagles ang best-of-three semis series sa bisa ng malinis na 2-0 sweep. Nagwagi ang Ateneo sa Game 1, 25-16, 17-25, 25-23, 26-28, 15-7.

Muli namang naglatag ng bangis ang Bulldogs nang sakmalin nito ang University of Santo Tomas, 25-19, 25-18, 25-21, sa hiwalay na Final Four game.

Naging armas ng Bulldogs si Madzlan Gampong na pumalo ng 21 puntos gayundin si Ismail Fauzi na nagtala naman ng siyam.

Angat ang Bulldogs sa attack line tangan ang 36 kills kumpara sa 24 lamang ng Growling Tigers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with