Sharp As Ever, Our Angel’s Dream nagdomina sa Philracom races
CARMONA, Cavite, Philippines – Iginiya ni jockey CV Garganta ang Sharp As Ever para sa korona ng Philippine Racing Commission Cup sa racing festival sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Itinakbo ng Sharp As Ever ang premyong P240,000 na naibulsa rin ng Spring Collection, sinakyan ni MM Gonzales, sa kanilang tagumpay sa Manila Jockey Club Cup.
Inihatid naman ni jockey Conrad Henson sa panalo ang Our Angel’s Dream sa fifth leg ng Philracom’s imported/local challenge race para sa premyong P300,000.
“It was an exciting day for race fans,” sabi ni Philracom chairman Andrew Sanchez. “From the races in the Ramon Bagatsing Centennial Classique down to our very own (Philracom) races, I think everyone went home with satisfied with the top-quality races that we offered.”
Samantala, inabutan ni nine-year-veteran Arnold Asuncion at ng four-year-old mare na Atomicseventynine ang longshot na Love To Death para pamahalaan ang 1,750-meter 2016 Resorts World Manila-Challenge of Champions Cup.
Humabol ang Atomicseventynine kasama ang Kanlaon at Court of Honour sa nangunang Love to Death, sinakyan ni jockey JB Hernandez.
Sa huli ay sumegunda ang Kanlaon ni Val Dilema kasunod ang Haley’s Rainbow ni RA Base.
Kinolekta ni Asuncion at ni trainer A.L. Francisco ang P600,000 mula sa guaranteed P1-million purse.
“Kapag mainit ang ulo ng kabayo ko, hindi nagpapaawat. Kaya naturuan namin sa Naic. Mga 1,950 meters din ‘yung haba. Napalamig ko ang ulo,” ani Asuncion.
- Latest