^

PSN Palaro

Hello Senate

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na ang training ni Manny Pacquiao.

Kaso nga lang, hindi ito para sa isang boxing match. Hindi ito para sa rematch kay Floyd Mayweather Jr. kundi para sa kanyang paparating na role bilang isang senador.

Anim na taon na ring congressman si Pacquiao sa Sarangani. May experience na rin kahit na sabihin mo pang madaming araw ay absent siya sa session.

Natuto na rin siyang humarap sa mga kapwa pulitiko at magsalita sa harap ng tao at mag-isip ng mga bagong batas para sa ikabubuti ng mga tao.

Willing siyang matuto.

Nung Miyerkules ay nagsimula ang crash course na lalu pang maghahanda kay Pacquiao para sa senado. Kasama niya sa mga session ang kanyang senate team.

Mula sa chief of staff at mga assistants niya, nag-enroll silang lahat.

Dito sa crash course na ito, na tatagal lang ng ilang araw, ay palalawakin ng mga instructors ang kanilang pananaw sa senado.

Iba ang trabaho ng isang senador. Mas malawak. Mas mabigat.

Kaya hindi pwedeng pumasok si Pacquiao sa kanyang opisina na akala mo ay may piring sa mga mata.

Sa crash course na ito, pag-uusapan nila ang ekonomiya, labor, health, environment, peace and order at public safety, foreign relations at education.

Madaming dapat matutunan si Pacquiao.

Nung maging congressman siya nung 2010 ay sumailalim din sa isang crash course. Nag-enroll pa siya sa University of the Philippines para sa isang ma­bilisang kurso.

Nagustuhan niya ang mga itunuro sa kanya at nag-isip pa nga siyang kumuha ng abugasya. Hindi na rin naman ito natuloy.

Ngayong isa na siyang senador, gustong maniguro ni Pacquiao na handa siya.

Kung kaya ng iba, kaya rin niya.

‘Wag lang siya absent.

vuukle comment

RAFAEL NADAL

TENNIS

WIMBLEDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with