CLEVELAND--Walang dudang nahihirapan si back-to-back NBA MVP Stephen Curry sa NBA Finals.
Naimintis niya sa Game 1 ang mga tirang ordinaryo lamang niyang naikokonekta, nalagay siya sa foul trouble sa Game 2 at nahirapan sa depensa ng Cleveland Cavaliers sa Game 3.
“Last night was a struggle,” sabi ni Curry. “Just, again, foul trouble and kind of dealing with that, but also not being as aggressive as I needed to be. I don’t know what the reason was for that, and it won’t be that in Game 4.”
Nagposte si Curry ng average na 30 points per game sa regular season.
Sa NBA Finals ay nalimitahan si Curry ng Cavaliers sa average na 16 points per game.
Tinulungan ni Curry, ang unang unanimous MVP selection, ang Golden State sa pagtatala ng NBA-record na 73 regular-season wins.
At sa Game 4 ay dapat siyang makakuha ng solidong suporta mula sa iba pang Warriors
Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si Curry na matutulungan niya ang Warriors na makuha ang 3-1 lead laban sa Cavs.
“I like our chances of being able to figure it out,” wika ni Curry.