CLEVELAND--Bagama’t naipanalo ang Game 3 noong Huwebes ay ituturing pa rin ng Cleveland Cavaliers na isang ‘do-or-die’ ang Game 4 ng NBA Finals laban sa Golden State Warriors.
Ito ang kanilang ginawa noong Huwebes at ito rin ang muli nilang panghahawakan ngayon.
“It’s the same. It’s the same mindset,” sabi ni LeBron James, umiskor ng game high 32 points sa Game 3. “We can’t afford to go down 3-1 and go into their building and give them confidence going back. So it’s a do-or-die game for us still.”
Salamat sa kanilang 120-90 panalo sa Game 3 at nakalapit ang Cavaliers sa Warriors sa 1-2 sa kanilang best-of-seven series.
Sa NBA history ay wala pang koponang nakakabangon mula sa 0-3 pagkakabaon at naipanalo ang serye.
Sa kabila ng pagkakaagaw nila sa ‘momentum’ para sa Game 4 ay sinabi ni James na patuloy pa ring magsisikap ang Cavaliers na tila nakataya ang kanilang season.
Sa higit sa 200 teams na nahulog sa 1-3 agwat sa isang seven-game NBA series ay 10 lamang ang nakapuwersa ng Game 7 at napagwagian ito.
Ito ay nagawa ng defending champion Warriors laban sa Oklahoma City Thunder sa kanilang Western Conference finals series.
Kaya hindi nagkukumpiyansa ang Cavaliers, may 8-0 record sa kanilang tahanan sa postseason.
“They’re not a lay down team. They’re going to compete. We know they’re going to come out and compete. Even though we won Game Three, we know Game Four will be even harder,” sabi ni Cavs guard Iman Shumpert.
“Inaasahang gagawa ang Warriors ng adjustments para mapakawalan sina shooters Stephen Curry at Klay Thompson.
Hindi naman babaguhin ng Cleveland ang kanilang depensa.
“The same way we approached Game Three: Just being physical, and being aggressive. I think in the first two games with Golden State, they were definitely that,” wika ni Cavaliers coach Tyronn Lue.