CLEVELAND - Bagama’t hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang serye, naniniwala pa rin ang Golden State Warriors na hindi pa tapos ang kanilang 2016 NBA Finals ng Cleveland Cavaliers.
Ayon kay coach Steve Kerr, maraming maaaring mangyari sa isang serye.
Nakabangon ang Warriors mula sa 1-3 pagkakabaon para resbakan ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference finals.
“That’s a great analogy, one that we’ve already used,” sabi ni Kerr. “It’s doesn’t matter what the scores are, doesn’t matter if you win by 25 or lose by 25, it’s one game in the series. And we got blown out twice in a row in OKC, down 3-1, and we were able to come back. We know we’re playing against a great team. They’re coming home. They can change the momentum around with just one win.”
Tatargetin ng Warriors ang malaking 3-0 bentahe laban sa Cavaliers sa Game 3 para makalapit sa inaasam nilang back-to-back NBA championship.
Siyam lamang sa 232 NBA teams ang nanalo sa best-of-seven series makaraang maiwanan sa 1-3.
Kumpiyansa ang Cavaliers na mas malakas ang kanilang tsansang makabalik sa serye.
Ang mga koponang naiwanan sa 0-2 sa NBA Finals ay nakabangon para manalo tampok ang tatlo sa 31 tropa.
Natalo ang 1969 Boston Celtics, 1977 Portland Trail Blazers at 2006 Miami Heat sa unang dalawang laro sa NBA finals bago angkinin ang titulo.