Panlilio papalit kay MVP sa SBP?
MANILA, Philippines – Si Al Panlilio ang nakatakdang sumalo sa maiiwang trabaho ni Manny V. Pangilinan bilang SBP president kung saan kasalukuyan pang inilalatag ng national cage leadership ang long-term plans, kasama ang muling pagbuhay ng Gilas cadet program sa hangaring makalaro sa 2019 World Championship at 2020 Olympics.
“That’s MVP’s wish to have Al as his successor. If the SBP presidency goes to another person, of course they will not get the kind of support MVP is giving to the SBP now,” wika ng isang reliable source.
Tiniyak pa ng source ang pagpalit ni Panlilio kay Pangilinan sa SBP board election matapos ang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena sa July 5-10.
Si Panlilio, ang senior vice president ng Meralco, ang kasalukuyang SBP vice president bukod pa sa pagiging chief executive officer ng organizing committee para sa FIBA OQT.
Ipinagpaliban ng SBP board ang eleksyon noong Enero para hindi magambala ang pamamahala ng bansa para sa OQT.
Sa susunod na board meeting ay 13 bagong opisyales ang uupo sa board kasama ang 12 holdovers kasama sina PBA representatives Robert Non at Chito Narvasa at PBA D-League’s Erick Arejola.
Magmumula sa bagong board of trustees ang iluluklok na SBP president.
Sa ilalim ng SBP by-laws, si Pangilinan ay hindi na maaaring tumakbo para sa naturang posisyon.
- Latest